COVID-19 VACCINES PARA SA BAYAN NG LUBANG AT LOOC,INIHATID NG MGA KAWANI NG PDRRMO!

Sa patuloy na atas ni PDRRMC at Prov’l. Inter-Agency Task Force (PIATF) Chairman Gov. Eduardo B. Gadiano na matiyak na ang mga vaccines na darating sa ating lalawigan ay madala sa tamang panahon sa lahat ng bayan upang agad itong maibigay/maiturok sa ating mga kababayan na nakabase sa pamantayang inilabas ng DOH ay agad naghanda ang tanggapan ng PDRRMO ng sasakyang pandagat na siyang magiging daan upang maayos at mabilis na madala ang mga vaccines sa mga bayan ng Looc at Lubang.
Lulan ang mga kawani mula sa PDOHO, PNP at PHO ay binagtas muli sa pangalawang pagkakataon ng grupo ang karagatan mula Abra de Ilog patungong Lubang kaninang madaling araw (Abril 14, 2021) gamit ang rubber boat na sa twina’y ginagamit din sa mga insidente sa karagatan. Sa kabila ng alon at mahabang paglalakbay ay maayos na nakarating ang grupo sa Lubang bitbit ang mga vaccines para sa 2 bayan. Simula ngayong araw ay isinagawa ang vaccination sa nasabing mga bayan simula hanggang huwebes.
Patuloy na magiging bahagi/katuwang ang PDRRMO sa pagpapadaloy ng mga gawaing may kinalaman sa kalusugan (mapa-dagat man o kalupaan) at DRRRM upang sama-sama nating labanan at mapagtagumpayan ang hamong kinakaharap dulot ng COVID-19.
PIO
PIO
Skip to content