UGNAYAN at KONSULTASYON SA GRUPO NG MGA KABABAIHAN SA BARANGAY IBUD, ISINAGAWA

Sa kahilingan ni Vice Mayor Bong Marquez sa tanggapan ng Ama ng Lalawigan Governor Ed Gadiano, isinagawa ang isang pakikipag-ugnayan at
at konsultasyon sa mga kababaehang kailokanohan,
upang alamin ang kanilang mga concerns na pagtutulungan ng probinsya at Local Government Unit of Sablayan sa inisyatibo ni VM Bong Marquez.
Ang “Ugnayan sa Barangay”
ay upang abutin at masuri ang kalagayan ng mga mamamayang naninirahan dito at alamin at matiyak ang kanilang mga pangangailangan na kanilang ipinararating at natutugunan ng Pamahalaan.
Sa mensahe ni Sir Ryan Gadiano Sioson bilang AkapHub Focal Person, ibinahagi niya ang muling pagbubukas ng programang akaphub na isa sa malaking katulungan lalo na sa mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan. Aniya, ang programang ito at pamahalaan ay palaging bukas at nakalaang tumulong sa mga nangangailangan.
Ayon naman kay Governor Ed Gadiano, ang AKAP HUB sa kasalukuyan ay may 26,000 indibidwal na lumabas ng hospital na walang binayaran. Inilatag din ni Gov. Ed ang programa ng Office of the Provincial Agriculture tungkol sa pamamahagi ng tilapia fingerlings, Gulayan sa Barangay at iba pa, programa ng PVET tulad ng livestocks mga ipinamahaging hayop na marami na ang nakinabang, CMGP projects sa iba’t ibang barangay at iba pang programang naisakatuparan na at nagpapatuloy pa.
Iminungkahi din ni Gov. Ed ang planong magbigay ng tablets sa mga estudyante na magagamit sa kanilang modules at sa mga kabataang graduate na ngunit walang trabaho ay bibigyan ng trabaho sa Government Internship Program (GIP) na may contract na 6 months sa ilalim ng programa ng DOLE.
Buong lugod din niyang ipinaabot ang kanyang masidhing hangaring matulungan ang mga kababaihan upang meron silang pagka abalahan at pagkakakitaan lalo na sa panahon ng pandemya na ating nararanasan. Iminungkahi niya na magpasa sila ng project proposals at sila ang masusunod kung anong kabuhayan ang nais nila.
Nagkakaroon din ng open forum ang nasabing grupo at tiniyak na
pagtutulungan ito ng iba’t ibang ahensya.
Bukod sa mga bisitang naroon, dumalo din sa nasabing programa ang Ibud Barangay Council na pinamumunuan ni Kapitan Virgilio Baoan, Sr., gayundin si Provincial Focal Person Darwin Paz ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
PIO
PIO
Skip to content