CONTRACT SIGNING NG LOCALLY PAID TEACHERS, TULOY-NA-TULOY NA!

Isinagawa ngayong araw ang contract signing sa humigit-kumulang sa apatnapu’t anim (46) na mga Locally Paid Teachers na ginanap sa Legislative Building, April 14, 2021.
Sa pamamagitan ng Provincial Government of Occidental Mindoro sa pamumuno at inisyatibo ni Governor Ed Gadiano,naisakatuparan ang matagal nilang hinihintay matapos magkaroon ng pagka-antala ito.
Nagbigay ng mensahe sina DepEd Administrative Officer Dennis Michael Abeleda at DepEd District Supervisor Marilyn Fille. Nagbigay sila kapwa ng pagbati at hamon sa mga Locally Paid Teachers na dating kilala sa tawag na Para Teachers. Anila, ay pagbutihan pa nila ang kanilang pagtuturo sapagkat sila ay may malaking ginagampanan sa lipunan at itinuturing na bayani.
Ayon kay Governor Ed, ang Edukasyon ay nasa kanyang puso at prayoridad kung saan ito ay nakapaloob sa HEARTS PO programs. At ito ay pinondohan ng Ama ng Lalawigan na nakapaloob sa programa ng YASDO na pinamumunuan ni Focal Person Arjay Bundang Zoleta.
Nakiisa at nagpaabot din ng pagbati sina Executive Secretary and AkapHub Focal Person Ryan Gadiano Sioson, Executive Assistant Clarinda A. Lorenzo, Vice-Mayor Bong Marquez, Konsehal Junjun Ventura, Konsehal Macking Legaspi, SK Federation President Marffin Dulay, PGO Consultant Nanding Dalangin, Ms. Candy Villarosa at Ex-SB Member Ene Dimaculangan.
PIO
PIO
Skip to content