ARAWATAN TRADE FAIR ON WHEELS SA KAPITOLYO, BUKAS NA!

Opisyal ng binuksan ngayong araw ang Arawatan Trade Fair on Wheels sa Kapitolyo sa pangunguna ni Governor Ed Gadiano upang magbigay daan para sa ating mga kababayang mayroong local businesses bilang selebrasyon ng ika-pitumpong anibersayo ng Lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ang Trade Fair on Wheels ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang LEDIPO, LGU at DTI na may layunin na makatulong sa mga maliliit na negosyo na lubhang naapektuhan ngayong pandemya.

Kasama rin sa nasabing pagbubukas nito sina Executive Secretary Ryan Gadiano-Sioson , Maam Gladys Barile, LGU-Mamburao Municipal Administrator, MBAO Focal Person Ms. Marylou G. Cologan, Senior Tourism Operations Officer Ms Neneng Castillo at LEDIPO-OIC Ms. Rio Andrea Angeles.

Bukas po Arawatan Trade Fair on Wheels sa Kapitolyo hanggang ala-singko ng hapon (5:00 PM).

Halina’t bumisita at bumili ng mga lokal na produkto, tangkilikin natin ang sariling atin!

#ArawatanFestival2020
#SerbisyongGanadoGaadiano

PIO
PIO
Skip to content