SERBISYO CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA BARANGAY NAIBUAN, SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO

Iba’t ibang uri ng serbisyo ang inihandog ng isinagawang Serbisyo Caravan ni Gov. Ed Gadiano sa pangunguna ng Indigenous Cultural Community Affairs Office at ng Focal Person nito na si Mr. Voltaire Valdez sa Barangay Naibuan, San Jose.

Kabilang sa mga serbisyong naihandog ay pamamahagi ng binhing gulay, hotmeals, libreng gupit, medical at dental check-up, immunization, birth registration, early registration sa paaralan at pagsasanay sa tatlumpong katao sa pagpoproseso ng karne.

Naihandog ang mga serbisyo sa tulong ng iba’t ibang government agencies tulad ng TESDA, Department of Health, Philippine National Police, Office of Provincial Agriculturist at Office of Provincial Veterinary.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content