PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
MAGSAYSAY, OCC. MINDORO – Matagumpay na isinagawa ang One Time Big Time Plus – Free Spray and Castration for Cats and Dogs sa bayan ng Magsaysay maigting na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng ating butihing Gov. Ed Gadiano at ng Office of the Provincial Veterinarian katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan at tanggapan ng iba pang mga lalawigan ngayong araw, ika-05 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Layon ng nasabing programa na mabigyan ng libreng anti-rabies shots at libreng operasyon sa pagkakapon o ligation sa ating mga alagang pusa at aso, bukod sa maiiwasan ang pagdami ng mga galang aso at pusa ay mas mapapahaba pa ang buhay ng ating mga alagaing pusa at aso. Ayon sa ating Provincial Veterinarian Dr. Kristofferson Gonzales, ito ang pangalawang pagkakataon na naisagawa ang One Time Big Time Plus sa ating lalawigan, pansamantala lamang natigil noong nakaraan mga taon dala ng pandemyang COVID19 na lubos na nakaapekto sa ating lahat. Inaasahang nasa 15,000 mga aso at pusa ang mabibigyan ng anti-rabies vaccine at free castration sa mga bayan ng Magsaysay, Rizal at Sablayan mula ngayong araw hanggang sa ika-10 ng Hunyo taong kasalukuyan. Upang mas mabigyan ng Serbisyong Ganado ang ating mga pet owners ay nagtutungo sa mga bahay bahay ang ating mga masisipag na mga taga turok ng anti-rabies sa tulong na rin ng mga Barangay Health Workers ng mga nasabing barangay at munisipalidad.
Katuwang ng ating butihing Gov Ed sa pagbibigay ng mga ganitong mga programa ang ating Office of the Provincial Veterinarian katuwang ang mga ahensya tulad ng Municipal Agricultural Office ng bayan ng Magsaysay, Department of Agriculture, Department of Health, Department of Interior and Local Government, Department of Education, Rabies-Free Philippines, Marinduque Animal and Wildlife Rescue, mga Provincial Veterinarian Office ng mga lalawigan ng San Jose del Monte – Bulacan, PVET Oriental Mindoro, PVET Romblon, PVET Palawan, PVET Marinduque, at Lungsod ng San Juan – NCR. Walang pagod at taos-pusong pagbibigay ng serbiyo sa ating mga alagaing pets sina Dr. Josue M. Victoria, Dr. Anthony J. Rozal, Sir Eddie Mar R. Laylay, Sir Hilario O. Lanete, Sir Randolfo A. Largo, Sir Allien A. Paguio, Dr. Jun Clyde B. Descallar, Dr. Alfredo R. Manglicmot, Dr. Arby B. Banaag, Dr. Rhommel G. Mendoza, Dr. Paula Reeva A. Macabre, Sir Rolando G. Del Rosario, Sir Victor A. Hilario, Dr. Jerry V. Alcantara, Dr. Dave Christoher G. Vinas, Dr. Sarah C. Sze, Dr. Ruth Abigail Q, Salas, Dr. Kristoffeson B. Gonzales, Sir Christopher Amper at Sir Michael G. Catabona, mga kawani ng PGO Occidental Mindoro Sir Dennis V. Masangkay, Ms. Laarni E. Tiuzen, Ms. Sharmaine O. Halcon, Ms. Joy Carpio at mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian SAMARICA.