The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

2ND QUARTER JOINT PPOC & PADAC MEETING SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO PARA SA TAONG 2023

Bilang PPOC Chairperson, muling pinagunahan ni Governor Ed Gadiano ang 2023 2nd Quarter Meeting ng Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) And Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Hunyo 20, 2023.

Layunin pa rin nitong mapagtibay ang koordinasyon ng bawat ahensyang ang tungkulin ay masiguro ang kapayapaan sa probinsiya, pagsasagawa ng mga polisiya at pag-uusap o pagpapatupad ng mga plano patungkol sa mas epektibong pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan pati na rin ang patuloy na pagsugpo sa droga sa buong probinsya.

Ito ay dinaluhan nina PD Jun Olave Jr, POC Head Secretariat, at Jun Dexter Danao ng PNP, CInsp Fernan Jambalos ng BFP, IA III Roaldine Sal-ao ng PDEA, PTF ELCAC Focal Person Voltaire Valdez, kinatawan ng tanggpan ng DILG, PPDO at PPOS pati na rin ng mga punungbayan ng bawat munisipalidad ng lalawigan.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content