2ND QUARTER JOINT PPOC & PADAC MEETING SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO PARA SA TAONG 2023
Bilang PPOC Chairperson, muling pinagunahan ni Governor Ed Gadiano ang 2023 2nd Quarter Meeting ng Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) And Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Hunyo 20, 2023. Layunin pa rin nitong mapagtibay ang koordinasyon ng bawat ahensyang ang tungkulin ay masiguro ang kapayapaan sa probinsiya, pagsasagawa ng mga polisiya at pag-uusap o pagpapatupad ng mga plano patungkol sa mas epektibong pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan pati na rin ang patuloy na pagsugpo sa droga sa buong probinsya. Ito ay dinaluhan nina PD Jun Olave Jr, POC Head Secretariat, at Jun Dexter Danao ng PNP, CInsp Fernan Jambalos ng BFP, IA III Roaldine Sal-ao ng PDEA, PTF ELCAC Focal Person Voltaire Valdez, kinatawan ng tanggpan ng DILG, PPDO at PPOS pati na rin ng mga punungbayan ng bawat munisipalidad ng lalawigan. #BalitaAtImpormasyon #OksiMinPIO
GOV. ED GADIANO, AGARANG TUMUGON SA KAHILINGAN NG SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL SA BAYAN NG SABLAYAN
𝐆𝐎𝐕. 𝐄𝐃 𝐆𝐀𝐃𝐈𝐀𝐍𝐎, 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 Bilang tugon sa kahilingan ng San Nicolas Elementary School sa bayan ng Sablayan, agarang nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pangunguna ni Governor Eduardo B. Gadiano para sa 56 na mag-aaral ng Grade 6 na nangangailangan ng mga pangunahing gamit sa pag-aaral. Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral at ng kanilang guro sa ipinakitang malasakit at agarang pagtugon ni Gov. Ed Gadiano sa kanilang kahilingan. Malaki ang magiging ambag ng tulong na ito sa pagsuporta sa kanilang pag-aaral at higit na makapagbibigay-sigla sa mga mag-aaral upang magsikap at ipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan, naipapakita ang malasakit at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kabataang Mindoreño, tungo sa mas maayos at dekalidad na edukasyon para sa lahat. 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢! 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔! #SerbisyongGanado #SerbisyongGadianoLagingGanado